Friday, October 29, 2010

Ang DVD :)

Ngayong araw, paguwi ng daddy ko may dala syang lalagyan ng mga DVD, ung ganito
tapos, inutusan nya akong ilagay ang mga cd o dvd doon, wala naman akong choice kung hindi sumunod kahit ayaw ko talaga at tinatamad ako :(



Inilagay ko isa-isa ang mga cd sa lalagyan, ianyos ko pa nga ng maayos pano ang arte ni daddy kailangan nakadiretcho pa at maayos at nakaharap, hay naku ang dami talagang arte, anyways back to my point kung bakit ko naitala itong istorya na to dito.

Habang nilalagay ko isa isa, may mga bago, may mga luma akong dvd na nakita. Dahil doon, naalala ko ang mga pelikulang pinanuod ko sa sine kasama ang aking mga kaibigan. May isang pelikula doon na pinanuod namin nung HS pa lamang kami, pero hindi ko na maalala kung naung taon, naalala ko na comedy yun at yung kaibigan ko hindi nya na-gets masyado ung joke dun, kaya bigla naman akong napangiti, pero syempre dahil malapit lang si daddy dahil nasa sala, lumingo ako at duon napangiti. Ang isa pa ay ung isang movie na pinanuod namin ni Faye, naaalala ko gabi na nung nagyaya sya para manuod, pero ako etoh, sinuong ang ulan kahit baha na kaya sa ibang lugar pa ko dumaan para lang manuod pano kasi nauna na sya sa loo, kawawa naman kung hindi ko sisiputin. Tapos nung matapos ung movie, naaalala ko sarado na ung SM, patay na ang mga ilaw at gabing gabi nadin ako nakauwi.

May mga ilan pang movie akong nakita, mapa-tagalog or english. Naaalala ko ung mga kaibigan kong kasama ko lagi manuod, lalo na si Faye, ngayon pang hindi kami ok. Anyways, ganun talaga ang buhay, it goes on ika nga.

Aun naalala ko lang, hopefully more movies to watch with friends and family, actually kahit napanuod ko na bumibili pa din ako ng dvd para kasi may copy, for future lang, pero ung mga magaganda lang talagang movie at series :)

No comments:

Post a Comment