Friday, December 24, 2010
BLOG sa gitna ng busy na kapaskuhan
ngayon lang ulit nakapagblog after so many weeks, 8 hours from now, Birthday na ni Jesus, at Christmas na sa buong kamunduhan :)
hindi ako nakapagblog nung nagsimula ang bakasyon nung 18 kc kinailangan kong magpahinga, halos linggo-linggong may sakit kasi ako at dumating pa ang hellweek, kaya pagod at wala ring akong tulog.
nung 19-21 naman busy kame sa christmas shopping, magkakasunod na araw na nasa mall para mamili at maghanap ng panregalo.
nung 22 pahinga pero hindi ren pala, kasi todo linis naman ako ng kwarto, kapagod, dahil hanggang ngayon hindi pa akot tapos hehe, baka sa 26 ko na tapusin.
den kahapon naman ay kagabi pala ay nagpunta kami sa Christmas party ng bus. ng cuz ko, aun inumaga na, diretso simbang gabi na kami kanina. halos sandali lang din ang itinulog.
at dahil busy nung mga nakaraang araw, ngayon lang din kame nakapaghanda ng lulutuin kaya ayan, hagard to the max.. parang gusto ko nga eh magpahinga nalang bukas, tutal sila naman ang mga pupunta dito sa bahay. katamad kasi pagumalis pa, like last year sa moa ang dami-daming tao. puro waiting list ka pa sa lahat ng resto, imagine kahit ung mga hindi naman nakakainan nun, kinakainan na pagpasko.
Basta ngayong pasko, ang mahalaga, masaya ang pamilya, may regalo at wala, hindi na uso ung mga material na bagay, kung meron edi salamat, kung wala, edi salamat, ang Pasko ay para sa mga bata, dahil sa ating lahat, sila ung pinakamasaya pagnakatanggap ng regalo, sila ung hindi nagiintindi ng mga ihahanda at bibilhing regalo, hindi nila oproblemahin kung magugustuhan ba o hindi ung ireregalo mo, basta may handa at regalo masaya na sila.
Pero pagmatanda kana, lahat ata ng pressure mararamdaman mo kahit mula sa pinakamababaw na gawain, hehe mula sa pagdedekorasyon, sa pambalot, sa mga regalo at pati sa pagkain. Pero hindi mahalag ang lahat ng un, lahat ng yun ay mga tradisyon lamang, ang mahalaga, icelebrate natin ang Birthday ni Jesus, maging masaya tayo, magbigayan at magmahalan para sa kanya. Hindi ito araw ni santa, araw toh ni Jesus, JESUS IS THE REASON FOR THIS SEASON
So let us all pray this prayer :
~a Christmas prayer~ Jesus, thanks for being born and dying on the cross for the sins of the world. May we never forget the reason for this season.
Sana may regalo o wala, may dekorasyon o wala, may handa o wala, lahat tayo aymaging masaya at damhin natin ang totoong diwa ng Pasko, at ang dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ito.
Happy Birthday Jesus!
I love you :)
and Merry Christmas to All :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment