Thursday, October 21, 2010

Philippines at the brink of hostilities

Kabi-kabila ang mga kontrobersiyang ating kinasasangkutan, mga anumalyang hanggang ngayon ay hindi pa natutuldukan, ang sistemang walang kahihinatnan. Magbago man ang namumuno sa ating bansa, ilang ulit man tayong maghalal ng presidente at may katungkulan, kung mismong mamamayan ang hindi makikiisa, pare-parehong sa kangkungan ang ating punta.


Patung-patung na mga sisi, kesyo sa pamahalaan na walang ginawang mabuti, mga 'leader' na sarili lamang ang iniintindi, estado ng edukasyon na patuloy na bumababa, at ekonomiya na tuluyan ng nasalanta. Ano nga ba ang puno't-dulo ng lahat? Sino nga bang dapat managot sa lahat ng kasadlakang ating tinatamasa? Di ba't tayo rin ang may kasalanan, tayo na nagpapatakbo ng ating mga buhay, tayo na gumagawa ng ating kapalaran, tayo na may hawak ng lahat. Nasa atin ang pagkukulang, ang kamalian.

Ang mga nag'ra-rally sa mga pampublikong kalsada ng maynila, mga kabataang nalulong sa maling bisyo at droga, mga magulang na pinapabayaan ang sariling pamilya, mga taong mas piniling itapon ang pagkakataon na magkaron ng buhay na masagana, at may-kapangyarihan na walang inatupag kundi mang-lamang ng kapwa..
Buhay ng pilipino, tuluyan na nga bang naging perwisyo? Kung tayo mismo ang magtutulong-tulong, may pag-asa tayong matatamo.

Hindi lamang presidente ang may obligasyon ng maginhawang buhay na sa ati'y nararapat, nasa kamay natin ang susi upang mabago ang bansa na ating tinatapakan. Hindi lang isa ang dapat kumilos, TAYONG LAHAT ANG SIMULA NG PAGBABAGO!

Ako mismo ang simula!!!

Kaya ngayong Oktubre 25, 2010, let us all go out and vote. For big things start at small. :)
Let us elect our kagawads and Baranggay Chairman.
Let's start with voting for a new beginning!!!

No comments:

Post a Comment